Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2024

Salinas, Hannah Louise T. ( Wika Bilang Sandata sa Politika)

Imahe
November 6, 2024 Pamagat ng Blog:   Wika Bilang Sandata sa Politika Manunulat: Hannah Salinas Tunay ngang ang wika'y isang mahalagang kasangkapan na ginagamit ng mga indibdiwal upang makabuo ng komunikasyon sa isa't-isa, ang wika rin ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng bawat indibidwal. Ginagamit rin ang wika upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao.    Sa larangan ng politila, mahalaga ang sitwasyong pangwika dahil ito ang nagtatakda ng epektibong komunikasyon sa pagitan ng mga lider at ng mamamayan. Ang tamang paggamit ng wika ay nagbibigay-daan sa mas malinaw na pagpapahayag ng mga plataporma, adbokasya, at mga polisiya na iimplementa sa ating bansa. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ng mga politiko ang kanilang mga plano at pananaw sa mga isyung panlipunan. Kapag ang isang lider ay epektibo sa kanyang paggamit ng wika, mas malaki ang tsansa na makuha niya ang tiwala at suporta ng kanyang mga nasasa...